39 – On Why I Stopped Attending Car Shows

(AUTHOR’S NOTE: This is actually my first post written in casual vernacular, so I apologize in advance if some terms might be confusing to foreigners. I simply expounded on what was originally a status in Facebook. Contrary to popular belief, I do write in Filipino. On the car show thing…well, this is based on my personal experience. I’ve attended one so far – the 2013 Manila Auto Salon at SMX – and was looking forward to attend more, but then the reality check occurred.)

Sigurado akong dumaan ka rin sa ganito.

“Pare, car show tayo!” Dati, excited ako pag naririnig ‘to – magkasama kami ng kaibigan ko na pupunta sa car show. Pwedeng ako yung armado ng camera, siya, o pareho kami. Dalawang bagay lang talaga ang makikita mo doon: tsiks at tsikot. Kung car enthusiast ka at marunong kang mag-maneho, magsasawa ka sa dami ng sasakyan. Pero yun nga lang, hindi ako marunong magmaneho kaya sapat na sa akin ang mga hot babes na nagmo-model ng mga auto. Hindi naman ako kaguwapuhan, pero nakakapagpa-picture pa rin naman ako at nakukunan ko ang mga models. On the other side of the spectrum, tatlong uri naman ng lalake ang makikita mo sa car show: yung legit na car enthusiast, SLR-wielding photographer, and regular fanboy.

Well, sabihin na nating normal scenario ‘to sa mga car show na napuntahan ko: pagkakuha ng picture sa tsiks, tanong ng pangalan tapos “tag mo na lang ako sa FB ha.” Pagsapit ko sa FB page ni model, ayun – sapaw na sapaw sa post ng mga fanboy at photographer. Mag-post or tag ka man ng kuha mo sa kaniya, fanboy pa rin ang magla-like. Swerte na lang kapag ni-like ng mismong model ang kuha mo. Gusto mo mang makipag-kaibigan sa kaniya sa labas ng car shows at FB, wala eh – hanggang doon ka lang talaga. “Nobody” ka kung hindi ka armado ng  SLR. Point-and-shoot lang ang kaya ng bulsa ko, kaya wala talagang magagawa.

Mainstay sa mga carshow ang mga kotse (at iba pang sasakyan)…

Ganiyan na ganiyan ako noong 2013. Iniisip ko na may makikilala akong car show model na masasabi kong legit na kaibigan talaga pag madalas ako sa mga car show. Pero isang araw, naisip ko kung gaano ako katanga dahil sa ginagawa ko. Niloloko ko lang ang sarili ko, at nagising ako sa katotohanan. Kahit sinong model pa iyan, kahit anong gawin ko, ganoon at ganoon pa rin ang kahihinatnan; inuuntog ko lang ang ulo ko sa pader. Sabi ng kaibigan kong madalas na ka-tag team pagdating sa car show: “Pare, ibang liga naman kasi ang mga car show model. Doble ingat ang mga iyan kasi maraming lalake ang may gusto sa kanila. Alam mo naman, laging exposed eh.”

Pero yung sinabi ng isa ko pang kaibigan ang nagmulat talaga sa akin, and I quote: “A lot of them just [be]friend you for their pics.” May punto siya, kunsabagay. Kapag hindi naman carshow, parang wala lang sa Facebook – nabubuhay lang pag may event na papalapit. Kahit makipagkilala ka man (with good intentions, mind you), huwag ka nang umasang mapapalapit ka sa mga tulad nilang car show model. Oo sige, sabihin na nating bitter ako kasi hindi ako maka-iskor ng babaeng tulad nila. Pero darating ka rin sa puntong mapapa-isip ka.

…at mga car show babes na tulad nito.

Siyempre, may naituro naman ang karanasang ito sa akin. Hindi lang sila ang babae sa mundo. Mas magandang humanap ng babaeng pahahalagahan ka bilang tao, at hindi bilang +1 sa kanilang listahan ng fans. Maniwala ka sa akin, mas masarap sa pakiramdam kapag makahanap ka ng kaibigang ganoon. Magmula noong maisip ko na may mga kaibigan akong babae na nakikita kung ano talaga ako, hindi na ako nagpupunta ng car show. Hindi ko naman sinasabing sayang sa oras ang pagpunta sa mga ganoong event, pero mahihirapan ka kung babae ang habol mo.

Isang tanong lang para tapusin ko ang post na ‘to: ano sa dalawa ang pipiliin mo – maging dagdag na kaibigan o dagdag na pangalan sa fan list?

Advertisements

10 thoughts on “39 – On Why I Stopped Attending Car Shows

  1. This is a great post. Ang daming pumasok sa isip ko about car shows (and definitely not just car shows) taking advantage of our apparently still uber sexist society. Sexy cars + sexy girls = machismo. On the other hand, I can’t really blame them because that’s what sells.

    Kudos to your realization. Much respect 🙂

    • Thanks 😀 Which reminds me of something:

      “Kung gusto mong maghanap ng GF, huwag kang humanap sa car show. Makikita mo iyan sa mga cafe, may pasak na earphones at nakatutok sa laptop.”

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s